October 27, 2026

Mindanao Chronicle

Mindanao News and Views

Babayaran na ang mga Hindi Nabigyan ng COVID-19 Allowances ng Health Workers

1 min read
Babayaran na ang mga Hindi Nabigyan ng COVID-19 Allowances ng Health Workers

Mindanao Herald | Babayaran na ang mga Hindi Nabigyan ng COVID-19 Allowances ng Health Workers

MANILA – Matapos ang sunud-sunod na pagsuyod ni Senator Bong Go, inilunsad na ng Department of Budget and Management (DBM) ang PhP 6.77 billion para mabayaran ang matagal nang naantala, o “unpaid,” Health Emergency Allowance (HEA) claims ng mga frontliner, kumpleto mula 2021 hanggang 2023.

“Ayon ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na bayaran na ang balanse ng health emergency benefits and allowances claims mula 2021 hanggang 2023,” ayon kay PCO Undersecretary Claire Castro.

Ayon kay Undersecretary Castro, sumasaklaw ang pondo sa 1,411,546 PHEBA claims, ito ay hindi lang para sa mga manggagawa sa public hospitals, kundi pati sa mga nasa private health facilities, state universities, at mga lokal na pamahalaan.

Noong 2024, naglabas na ang DBM ng PhP 121.325 billion para sa HEA at iba pang benepisyo para sa health and non-healthcare workers. Kasama dito ang PhP 27.383 billion para sa health emergency allowance at PhP 70.7 million para sa COVID-19 compensation packages—batay sa validated claims mula sa DOH noong Abril 26, 2024.

Noong Pebrero 17, 2025, inihain ng DOH sa Monthly Economic Managers’ Meeting ang updated request na PhP 6.727 billion para sa dagdag na benepisyo.

Pagkarinig sa balita, nagpasalamat si Senator Bong Go:

“Salamat sa DBM. Nagkaroon po ng pag-asa ang ating healthcare workers.”

Giit ng senador na ang P6.77 billion ay katarungan para sa pinagsikapan at pinaghirapang serbisyo.

Visited 2,328 times